Wednesday, February 4, 2015

How To Unleash Your Highest Potential


                       

May gusto lang akong ikuwento sa inyo na nakapag-inspire sa akin, simula nung narinig ko ito at kinuwento ng professor ko, mas natuto akong magtiwala sa sarili ko na kaya ko rin palang maging successful? Natatakot kasi akong gawin yun kasi baka magkamali ako at mag-fail!

 May isang maganda at mayamang babae na anak ng pinaka-mayamang negosyante sa probinsya nila. Ang pangalan niya ay Shary, siya ay 20 years old na pero wala pa rin siyang boyfriend. Maganda naman siya at anak pa ng mayaman kaya imposibleng walang magkagusto sa kanya! Kaso lang pihikan siya kaya wala pa siyang boyfriend.

Ngayon nagdesisyon ang daddy niya na magkaroon ng contest sa lugar nila para sa mga lalakeng matapang na makakatawid sa pagsubok. Kung sino ang lalakeng unang makatawid sa lawa ng puno ng mga buwaya ay makakatanggap ng malaking premyo! 



Ang unang premyo ay mapapang-asawa niya si Shary, biruin mo mapapangasawa niya ang isang mayaman at tagapagmana ng kanilang malaking lupain at negosyo! Ang pangalawa ay bibigyan siya ng isang milyon at ang pangatlo ay bibigyan siya ng malaking lupain at mansyon. Marami ang lalaking sumali sa paligsahan, sino ba namang tatanggi sa ganun kalaking premyo diba? Pero nung nalaman na nila kung anong dapat nilang tawirin para makuha lahat ng premyong iyon, nagsiatrasan sila at sumuko na lang.

Pero may dumating na isang lalake na huling nakarating at naglakas loob na sumali! Ang pangalan niya ay Christian. Pero nung nandun na siya sa lawa, natakot din siya dahil inisip niya na baka hindi niya kaya at baka mamatay lang siya. Pero nung nakatayo na siya malapit sa lawa, may tumulak sa kanya at dahil naitulak na siya, napasubo na siya at tinuloy na niya ng pagtawid sa lawa kahit na takot na takot siya.

Pagkalipas ng limang oras, natawid niya ang lawa at natuwa ang daddy ni Shary dahil sa kanyang katapangan kaya tinanong siya ng daddy ni Shary kung ano ang gusto niyang premyo!

Daddy ni Shary: Hanga ako sa katapangan mo! Ano sa tatlong premyo ang pinaka gusto mo?

Daddy ni Shary: Gusto mo bang mapang-asawa ang anak ko?

Christian: Hindi po

Daddy ni Shary: Ah gusto mo ng isang milyon?

Christian: Hindi rin po

Daddy ni Shary: Ah alam ko na, gusto mo ng malaking lupain at mansyon!

Christian: Hindi rin po!!

Daddy ni Shary: ?? Eh anong gusto mo!!!!



. . Kayo nahuhulaan nyo ba kung ano talang gusto niya?? . .



Christain: Gusto ko pong malaman kung sino ang tumulak sa akin! Gusto ko lang magpasalamat sa kanya! Kung di po dahil sa kanya, hindi ko po marerealize na kaya ko pala iyon! Natakot ako na harapin yung malaking pagsubok na iyon! Hindi ko lubos na maisip na magagawa ko pala yung bagay na iyon! Kasi wala akong tiwala sa sarili ko! Buong buhay ko lage na lang akong may pangamba at natatakot na harapin lahat ng pagsubok dahil umiiwas lang ako doon.

Daddy ni Shary: Hanapin ang tumulak sa kanya!! 

Hahaha. . .

What's the moral lesson? 

Minsan hindi tayo naniniwala sa sarili nating kakayahan, inuunahan mo na agad yung isip mo at sinasabing "Hindi ko 'to kaya" "Baka magkamali lang ako" "Baka mag-fail din ako"

Minsan kasi nandyan na yung opportunity pero hinahayaan lang natin ito at pinapalampas dahil iniisip mo na baka hindi mo 'to kaya! Kaya nasasayang lang yung opportunity na dumarating sa'yo at nawawala na lang.

Kailangan mo pa ba ng tutulak sa iyo para lang ma-realize mo rin sa sarili mo ng kaya mo? Gusto mo itulak kita? hehe

Karaniwang kasi sa ating mga pinoy ganyan ang mindset kaya maraming hindi nagiging successful sa buhay dahil kuntento na lang sila kung anong meron sila at kung ano yung kinalalagyan nila. Kuntento na rin silang maging mahirap at magpakahirap sa trabaho. Sa trabaho kasi oras ang kinukuha sa'yo eh. Halos konti na lang yung oras mo sa pamilya.

Hindi ka ba nangarap minsan na magkaroon ng mas magandang buhay para sa pamilya mo? At magkaroon ng mas maraming oras para sa kanila?

Last Advice ko lang wag kang titigil sa mga pangarap mo at wag kang matatakot na tuparin lahat ng 'yun kahit na mahirap, kailangan mo lang ng skills at knowledge para mag-grow ka as a person and increase your value. 

Money = Value if nakapag-provide ka ng value sa mga tao dun mas lalaki ang income mo so don't stop learning to grow yourself and become valuable. 

"Successful people is a lifelong learner."
"Successful people never stop learning and growing their selves to unleash their highest potential."

Ikaw may tiwala ka ba sa sarili mo na kaya mo rin 'yun? Kung ready ka ng matuto para magkaroon ng bagong kaalaman baka ito na ang maging daan para makuha mo yung mga pangarap mo

CLICK THIS LINK

LEARN THIS BUSINESS TO BUILD YOUR OWN DREAMS TOO!



P.S. Share, Like, and Comment if nagustuhan niyo yung story ko. Thank you :)