Maraming tao sa mundo ang naghihirap ngayon lalo na sa bansa natin. Sino ba ang may kasalanan kung bakit naghihirap ka? Bakit maraming taong naghihirap sa mundo?
Ang iba sinisisi ang gobyerno dahil kung walang corrupt, wala daw mahihirap.
Ang sabe naman ng iba kaya sila naging mahirap dahil ipinanganak na sila ng mahirap.
Sino nga ba ang may kasalanan?
Ang totoo ay it's a matter of choice, lahat tayo ay may choice kung anong gusto nating mangyari sa buhay natin. May choice tayo kung gusto lang natin maging mahirap. Kung kuntento ka na maging mahirap na lang, then it's your choice tama?
Kung hindi ka gagawa ng paraan na magkaroon ng magandang buhay at umunlad ka, then it's your choice! Kailangan nating maintindihan na marami tayong choice, tayo ang may hawak ng sarili nating kapalaran at tayo ang responsable para baguhin ang buhay natin. Ang iba kasi ay umaasa na lang sa swerte, umaasa na lang sila na baka isang araw yumaman sila ng walang ginagawa. Nga nga diba?
Tanggap na ng iba na maging mahirap na lang sila, dahil wala na mang masama sa pagiging mahirap.
Sabi pa nga ng iba dibale ng mahirap, basta wala kaming tinatapakang tao na hindi katulad ng mayayaman.
Kailangan mo bang maging mahirap para masabi na wala kang tinatapakang tao? Ang totoo maraming mahihirap ang gumagawa ng masama.
"Lack of money is the root of all evil" not "The money is the root of all evil"
Maraming mahihirap ang nagnanakaw, pumapatay, atbp. ginagawa nila ito dahil wala silang pera na pantustos sa kanilang pamilya. Ayaw nilang magtrabaho at gumawa ng legal na paraan para umunlad o yumaman. Marami na mang paraan para yumaman ka ng hindi mo kailangang gumawa ng masama kung magsisikap ka lang.
"The rich people are generous"
Ang maling isipan ng mga tao sa mga mayayaman ay masama, ang nasa isip nila ay greedy o sakim ang mga rich people.
Maraming tao ang natutulungan ng mga rich people dahil may sarili silang negosyo, nakakapag-bigay sila ng trabaho sa mga tao at may kakayahan pa silang makatulong at makapag-bigay ng blessings sa iba.
Kung walang mga business owners na willing mag-fail, hindi magkakaroon ng trabaho ang mga mahihirap.
Ikaw tatanungin kita anong choice mo? Maging mahirap o mayaman?
"You have the full responsibility of your own life and destiny."
Maraming mga tao ang mahirap lang dati ngunit yumaman sila dahil sa sarili nilang pagsisikap. Ang totoo nga ay hindi pa sila nagkaroon ng mataas na pinag-aralan dahil hindi naman basehan ang mataas na pinag-aralan para umunlad ka. Tulad ni Manny Pacquiao, mahirap lang ang pinanggalingan niyang pamilya pero hindi ito naging hadlang para maging matagumpay siya sa buhay at ginamit niya yung talento niya kaya isa na siya sa pinaka-mayamang tao dito sa pilipinas.
Hindi pa huli ang lahat, kung pipiliin mo na umunlad ang buhay mo gumawa ka na ng aksyon ngayon para mabago ang buhay mo kung willing ka lang mag-sikap.
Panoorin mo itong video na ito para masagot ang katanungan mo.
Kaya ang sagot sa tanong mo kung sino ang may kasalanan kung bakit ka naging mahirap, ikaw na mismo ang may kasalanan. Wala kang sisisihing iba kundi ang sarili mo dahil responsibilidad mo ang buhay mo.
Kung willing kang mag-sikap, kailangan mo ng taong tutulong sa iyo para maabot yung mga pangarap mo. Kailangan mo ng financial education at dapat mo itong pag-aralan.
P.S Comment below kung nakatulong ito sa iyo at gusto kong malaman ang sagot mo, ano ba ang choice mo? Maging mahirap o mayaman?
P.S CLICK HERE TO LEARN THE 5 PILLARS OF WEALTH ON WHAT IT TAKES TO BECOME WEALTHY
Your Friend In Success,
Roanne Joy
Your Friend In Success,
Roanne Joy