Wednesday, May 20, 2015

How To Create An Animated Videos




How to Use Powtoon to Create Animated Videos by Roanne Joy



Mas maraming tao ang mas interesadong manood ng mga fun videos at mas magkakaroon ka 
ng engagement sa mga facebook post mo kapag videos ang ginawa mo kumpara sa simpleng text post lang. Lalo na kapag naka-relate sila sa video post mo ay maraming mag-cocoment sa inupload mong video.

Pansin mo sa mga commercial sa tv, gumagaw sila ng mga interesting stories, comedy at mga pangyayari na makakarelate ang audience mo o target market mo.

Ngayon ay may ituturo ako sa iyong strategy na ginawa ko para makagawa ng sarili kong commercial para sa business ko gamit ang POWTOON.

Bago ka magsimulang gumawa ng sarili mong animated videos meron kang 3 steps na dapat gawin.

Step 1 Write your story
Dapat ay alam mo muna kung anong klaseng story ang gusto mong gawin. Gumawa ka ng sarili mong kwento na makakarelate ang audience mo. Dahil ito ay animated, madali kang makakagawa ng mga creative stories.

Step 2 Record Voiceover
Dito ay pwede kang magrecord ng boses mo na ikaw mismo ang nagsasalita para ma-brand mo ang sarili mo. Pwede ka ring maglagay ng music para hindi boring ang ginawa mong video.

Step 3 Create and Add Your Visual
Dito ay pwede kang mag-upload ng mga magagandang images at ilagay ito sa animated videos mo. Pwede ka ring maglagay ng animated character, backgrounds, transitions, props at marami pang iba para mas maging creative at engaging ang video mo para ma-brand ang gusto mong iparating sa target market mo.

Kung gagawa ka ng sarli mong video, 90 sec-2 minutes lang nagtatagal ang audience mo na panuorin ang video. Pansin mo sa mga commercial sa tv, hindi siya nagtatagal ng hanggang 5 minutes.


Ngayon ay i-apply mo na ang itinuro ko sa iyo kaagad.

PANOORIN MO ANG TUTORIAL VIDEO NA GINAWA KO:



Ipapakita ko sa iyo ang halimbawa ng mga nagawa kong animated videos:



P.S Marami ka bang natutunan ngayon? I want to know what you have learned and your questions. Just feel free to comment below and share to your friends.

READ RELATED POST: Introduction to Facebook Advertising

READ RELATED POST: THE SECRET SYSTEM LIKE MCDO AND JOLLIBEE

Your Friend In Success,














Roanne Joy