Maraming mga nagsisimula ng kanilang sariling business pero marami pa rin ang nag-fafail pagkaraan ng ilang buwan o ilang taon.
Ako kasi naranasan ko na mag-fail at ma-reject ng maraming beses sa business ko.
Noong nag-uumpisa pa lang ako, wala talaga akong alam at hindi ko alam kung sino
ang lalapitan ko. May team naman ako na kasama pero pare-pareho din kaming mga
newbie pa lang at konti pa lang ang experience pagdating sa business.
Halos ilang buwan din akong humataw sa business ko at ginawa ko naman yung tinuro
sa akin ng mga ka-team ko pero nagtataka ako kung bakit hindi pa rin ako nagkakaresulta?
Bakit kahit humataw ako at gawin ko naman yung ginagawa rin ng ka-team ko,
puro pa rin kami trial and error at marami kaming mga mistakes na nagagawa.
Dumating na lang yung isang araw na nag-give up yung iba kong ka-team at tumigil sila
sa business namin dahil hindi naman kami nagkakaroon ng resulta at ang nangyayari ay
malaki lang ang nagagastos o lumalabas na pera kaysa sa kinikita namin. Halos wala na
kaming pang-support sa business namin dahil nauubusan na kami ng pera. At ang masaklap
pa ay iniwan kami ng mentor namin na akala namin matutulungan kami pero hanggang
umpisa lang pala.
Lahat ng ibang mga successful sa ibang team sa business namin na nakakakita sa amin,
tiningnan ako mula ulo hanggang paa, ang feeling ko 'nun ay frusted at failure ako. Parang tingin nila ay hindi kami makakausad dahil walang-wala talaga kami at walang alam.
Nag-isip isip din ako kung anong gagawin ko, kung mag-ggive up din ba ako o itutuloy ko ito?
Ang ginawa ko ay humanap ako ng solusyon na makakatulong sa akin at pinag-aralan ko yung
mga solusyon na nakita ko para makapag-simula ulit ako at ma-improve pa yung business ko.
Na-realize ko na ang kailangan ko pala ay yung mga taong naging successful na at may experience na business na ginagawa ko dahil na-realize ko rin na hindi nagwowork yung
ginagawa namin dahil pare-pareho kaming mga newbie at hindi pa successful sa business namin. Ang dapat naming gawin ay hasain ang sarili at alamin ang mga bagong at pinaka-latest na strategy na ma-iaaplt sa business namin.
Kaya humanap ako ng taong naging successful na sa business na gusto kong maabot tulad
nila at yung mga taong willing talaga akong tulungan sa pag-abot ng mga pangarap ko.
Kahit ano pa yang business mo na gusto mong pasukin, kailangan mo muna itong pag-aralan at humanap ka ng taong may experience na at makakatulong sa iyo para mabawasan mo ang
trial and error at makapunta ka sa tamang direksyon na dapat mong tahakin.
Masaya ako dahil nakahanap ako ng solusyon sa problema ko at hindi ako nag-give up kaagad.
Ipapaalala ko lang na "Your Biggest Expense Is A Free Advice"
Wala ng libre ngayon! Kung meron may ay yung mga maling advice ng ibang tao sa paligid mo tulad ng "Hindi ka yayaman 'jan, humanap ka na lang ng trabaho atleast stable pa ang kita"
'Yan ang mga advice karaniwang ng mga taong importante sa atin dahil concern lang sila na baka magkamali o mag-fail tayo.
"You should invest in knowledge first" "The best investment is to invest in yourself"
Huwag kang manghihinayang na sa ininvest mo na mga trainings o lessons na makakatulong para mag-improve ka. Ang dapat mong tingnan ay 'yung value ng matututunan mo dahil lahat ng natutunan mo ay hindi na mananakaw ng kahit sino man.
Humanap ka ng best advice para sa business mo. Kung yung mga tao nga ay may financial advisors din dahil nileleverage nila yung "other people's knowledge." Totoo naman talaga na hindi natin alam lahat, kaya alisin mo sa bokabularyo mo ang salitang "Alam ko na 'yan."
Dapat ay lagi kang willing matuto sa mga dapat mo pang malaman. Lahat naman ay pwedeng maging successful, ang kulang nga lang ay yung willingness na matuto at pagiging open-minded.
Kung willing ka pang matuto, isshare ko sa iyo ang mga natutunan ko sa kanila.
Sila yung mga taong nagturo sa akin ng mga strategy sa business ko at yung mga taong
naging successful na sa kanilang business.
Ito yung FREE ONLINE SEMINAR namin every week para sa mga online marketers, network markters, home based business o kahit anong business mo sa internet.
Kung network marketer ka at hirap ka pa rin makapag-generate ng downlines at makapag-produce ng sales sa business mo, kailangan mo itong training na 'to.
KUNG GUSTO MO MATUTUNAN KUNG PAANO MAGKAROON NG SOLID FINANCIAL FOUNDATION, IPAPAKILALA KO RIN SA IYO ANG NAGING MENTOR KO SA FINANCIAL LITERACY.
Roanne Joy