Kanina paggising ko, naalala ko yung madalas na tinatanong sa'kin
ng mga networkers at online entrepreneurs na nakikilala ko.
Tanong nila madalas sa'kin
"Ano daw kaya ang dahilan bakit wala pa rin nangyayari sa business nila?"
"Ano daw kaya ang dahilan bakit wala pa rin silang resulta?"
Kanina ko lang rin na-realize kung ano o sino yung pumipigil sa kanila.
Alam mo ba kung sino ang TUNAY na KAAWAY?
KAAWAY na pumipigil sa'yo para maging successful?
Baka mapangiti ka 'pag nalaman mo.
Hindi mo siya kilala
Pero sIya ang isang dahilan kung bakit nagfa-failed ang isang tao.
Sino siya?
Ang BAKOD!
Huh?! WTF! Anong, sinong bakod?
Anong kinalaman ng bakod sa failure at success ng isang tao?
Eto makinig ka...
Bakod ay yung mga bagay na pumipigil sa'yo para gumawa ng aksyon.
Bakod ay yung mga bulong na naririnig mo na nagsasabi sa'yo
na "hindi mo 'yan kaya!"
Bakod ay yung pumipigil sa'yo tuwing ikaw ay makakakita ng
magandang chance na magkaron ng pagbabago sa buhay mo.
Ang bakod ay yung mga nagdi-discourage lalo sa'yo tuwing may
mga kinakaharap ka na pagsubok.
Ang bakod ay yung mga gumugulo sa'yo kapag may importanteng
desisyon ka na kaylangang gawin.
Ngayon mismo
pwedeng may bakod na pumipigil sa'yo para gumawa ng aksyon na dapat mong gawin sa business mo.
Ang bakod na 'yan ay pwedeng sarili mo mismo, o ibang tao.
Kung alam mo mismo sa sarili mo na makakatulong sa'yo ang business na 'yan para makuha mo ang mga goals at mga pangarap mo.
Wag mong hayaan na pigilan ka ng bakod na nasa harapan mo.
Gumawa ka kagad ng aksyon at hakbangan mo 'yang pesteng bakod na 'yan.
Gibain mo yang sagabal na bakod na 'yan.
Dahil 'yan ang tunay na kaaway na pumipigil sa'yo para maging successful at magkaron ng pagbabago sa sitwasyon mo.
Isipin mo 'to...
Yung iba nagiging successful dahil sa sarili nilang pagsisikap, hindi sila tumitigil na matuto even they are doing it in small steps. Dream big but start small! Anu-ano ba yung mga aksyon na dapat mong gawin para ma-achieve mo yung gusto mong success?
Alam mo ba kung ano yung ginawa nila bakit nila nakukuha ang mga resultang na yun?
Hinakbangan lang nila at giniba nila ang bakod na nasa harapan nila.
Kahit may bakod na bumubulong sa kanila ng "Hindi mo kaya 'yan!"
Hindi sila nagpapigil.
Ang sinabi nila sa sarili nila....
"HINDI AKO DUWAG!"
At lalong "HINDI NA KO MAGTITIIS!"
"GAGAWA AKO NG DESISYON NGAYON PARA SA SARILI KO AT PARA SA PAMILYA KO!"
"SAWA NA KO... GUSTO KO NA NG PAGBABAGO!"
(Sabay tadyak sa bakod... TOOORRRGGGHH!!!!!)
Kaya mo rin gawin yun.
Kaya mo rin kumita sa internet o sa sarili mong business. Kung ano man yan.
Kaya mo rin magawa kung ano yung mga nagawa nila.
Ang unang kaylangan mo lang rin gawin ay... gawin kung ano yung unang ginawa nila.
Kung ayaw mo na rin magtiis...
Kung gusto mo na rin ng pagbabago...
Kung Ready ka na Ngayon...
Kung handa ka ng hakbangan ang bakod na pumipigil sa'yo para magsimulang kumita sa internet
Kung handa ka ng gibain ang bakod na pumipigil sa'yo para magka-resulta...
I'm sure na makakatulong ito sa iyo kahit ano pa yang business na ginagawa mo na nakatulong din sa akin. Gusto ko ng umalis sa rat race at magkaroon ng time freedom!
P.S Like, Share and Comment if nakatulong ito sa iyo :)
Your Friend in Success,
Roanne Joy