Nung nasa first year college palang ako, mahilig na akong magbasa ng mga libro tungkol sa mga financial literacy. Kung paano mag-invest at magtayo ng sariling negosyo. Simula nong nagabasa ako ng mga ganung libro, naging interesado ako at doon ako nagsimulang mangarap na magkaroon ng sarili kong business. Kasi hindi naman itinuturo sa school yung true reality at advantage kapag may sarili kang business eh. Ang itinuturo lang sa amin ay puro academics at kung paano magkaroon ng magandang trabaho, kaya tuloy ung iba employee mindset at kuntento na sa pagiging empleyado. Sabi nga ng mga magulang natin kailangan na magkaroon tayo ng maganda at matataas na grades para maganda rin ang magiging trabaho natin at makahanap tayo agad ng high paying job. Pero pagdating ba sa business kailangan mo ba ng mataas na grade? Your grades doesn't define what will be your future. It's a matter of choice kung gusto mong maging empleyado at magtrabaho sa business ng iba na kahit kailan hindi naging sa'yo!
One of my inspiration is my dad because he started from rags to riches. Nanggaling siya sa mahirap ng pamilya lang, hanggang sa dumating na yung time na ayaw na siyang pag-aralin ng magulang niya. Pero nagsikap parin siya sa sarili nya dahil gusto niya talagang makapagtapos ng pag-aaral kahit mahirap lang sila. Ngayon meron na siyang profitable business pero hinde q alam kung anong strategy ang ginawa nya hehe.
4. No Work No Pay. Habang nagwowork ako, narealize ko na sobrang hirap pala ng buhay. Bukod dun ay wala ka pang time sa pamilya mo, kung meron man ay konting oras lang kasi 8-10 hrs. ang trabaho mo eh.
3. I hate to commute. Tuwing umaga sobrang hassle kasi ang hirap mag-commute papunta sa trabaho mo. Biruin mo araw-araw paulit ulit nalang na ganito ang nangyayari sa buhay mo? Yung iba no choice kaya nagtatrabaho nalang. Pero narealize ko na may iba pa pala akong choice! Dito ako mas nagpursigi at nangarap na magkaroon ng sarili kong business dahil gusto ko ng time freedom!
2. I want to retire young and rich and its possible if I will study how to build my own business. At naumpisan ko ng pag-aralan kung paano gawin yun. Marami kasi akong nakikitang opportunity na pwedeng magpabago ng buhay ko. Lahat ng business guru, investment educator nireresearch ko at natututo ako sa kanila ng libre! Na-iinspire ako sa mga nagiging successful sa business. Ginagawa ko kasing advantage yung internet para magself-study at hindi para sayanging yung oras ko sa pag-ffb o paglalaro! Lahat ng information na gusto mong malaman nasa internet at pwede mong i-google lahat! Malawak at makabago na ang teknolohiya natin ngayon! :)
1. Ang unang dahilan kung bakit gusto kong magkaroon ng sariling business ay para magkaroon ng time freedom, financial freedom at magretire ng maaga. Kapag hawak mo kasi ang sarili mong oras pwede akong magpunta kahit saan kasama ang pamilya ng walang iniisip na trabaho. Gusto kong gamitin yung oras ko kasama yung pamilya ko habang nabubuhay pa sila, dahil kapag nawala sila hinde ko na maibabalik yung mga oras na hindi ko sila nakasama. Imagine kung magrretire ka ng maaga magkakaron ka ng financial freedom hinde mo na kailangan magtrabaho pa, secure ka na dahil naihanda mo na yung magiging future mo. Pero hindi ko naman pinangarap na maging pinakamayamang tao dahil alam naman natin na ang lahat ng bagay dito sa mundo ay may katapusan. Hindi mo naman madadala yung lahat ng kayaman mo kapag namatay ka, Hindi ka naman maililigtas niyan. Ang pinakamahalaga sa akin na kayaman ay yung pananampalaya na meron ako, gusto kong ibigay yung oras ko sa paglilingkod sa Dios habang may buhay pa ako kaya gusto ko magkaroon ng time freedom!
This is my dream :)
This is my dream :)
P.S. Want to know more about my business? Click this link to know the courses on how build your own business and achieve financial freedom.
Learn how to build your own business.